Close

College stud, ginamitan ng CPR ang nalunod na squirrel

Sponsor ads


Ginamitan ng isang Michigan college student ng CPR technique ang nalunod na squirrel upang mailigtas ang buhay nito.

Makikita sa ipinost na video ng Central Michigan University student na si Natalie Belisto ang pagrescue niya sa naturang squirrel at kalauna'y pinainitan niya ito sa pamamagitan ng hair dryer.

Ayon kay Belisto, ang CPR technique na ginamit niya ay mula sa fifth season episode kung saan natutong gumamit ang mga staffers ng beat ng 1977 Bee Gees song "Stayin' Alive" sa time chest compressions.

"It was a super cool feeling to know that I saved an innocent life," saad ni Belisto. "I watched a lot of Animal Planet as a kid, but for the CPR part was literally all from that episode in 'The Office.'"

Agad naman na pinakawalan ni Belisto ang naturang hayop matapos itong maging ligtas na.

"After he ran up the tree we all were screaming and our minds were blown honestly, the whole night we couldn't stop talking about what happened," giit ni Belisto.