Close

Coco at Vic, magsasama sa isang pelikula

Sponsor ads


Kinumpirma ng aktor na si Coco Martin na makakasama niya sa isang pelikula ang komedyante at noon timeshow host na si Vic Sotto.

Gagawin ang pelikula para sa Metro Manila Film Festival 2018.

Ayon kay Coco, excited na siya sa gagawin nilang pelikula ni Bossing dahil matagal na niyang iniidolo ang trio nina Tito, Vic and Joey.

Giit ng teleserye action star na mapalad siya na pinagbigyan siya ni Sotto at umaasa siya na wala nang makakahadlang sa kanilyang proyekto.

Matatandaan na ginawa ni Coco ang pelikulang "Ang Panday" noong nakaraang edisyon ng MMFF kung saan ay naging karibal nito sa box office sales ang pelikula ng kaibigan niya na si Vice Ganda na "The Revenger Squad."