Close

Cockatoo tweeted: Ibon, nag-hi sa traffic cam

Sponsor ads


Isang twitter video ang nag-feature ng isang ibon na nag-hi sa traffic camera sa Australia.

Ang camera footage ay kuha ng Queensland Department of Transport and Main Roads na kanilang in-upload sa twitter.

Makikita sa video na pumatong ang cockatoo sa traffic camera at paulit ulit na nilalapit ang kanyang ulo at tuka kaya naman nahirapan ang mga opisyal na subaybayan ang daloy ng trapiko.

“Keep an eye out for this complete galah on the road today,” ang tweet ng transport officials na tumutukoy sa curiuos na ibon.