Close

Clark-Japan flights, target ng CebuPac

Sponsor ads


Pinag-aaralan na ng budget airline na Cebu Pacific ang pagkakaroon ng flights mula Clark International Airport patungong Japan.

Ito'y isang hakbang para solusyunan ang lumalalang congestion sa Ninoy Aquino International Airport sa Maynila.

Ayon kay Cebu Pacific Japan country manager Tomohiko Matsumoto, target na ng kumpanya na magbukas ng mas maraming hubs sa bansa para maengganyo ang mas maraming pasahero.

Kasalukuyan na aniyang nag-ooperate ang Cebu Pacific sa ilang key destinations sa Japan subalit masyado nang siksikan ang mga pasahero sa Maynila.

Sinabi naman ni Matsumoto na hindi imposibleng simulan na ngayong taon ang flight na may rutang Clark-Japan and vice versa.

Isa lamang ang naturang airline company sa mga nakinabang sa target visitors ng Japanese government na aabot sa apatnapung milyong turista sa susunod na taon.