Close

Chot Reyes, out na sa Gilas bilang coach

Sponsor ads


Inanunsyo ni Chot Reyes sa kanyang Twitter account ang kanyang pagbaba bilang coach ng Philippine national basketball team.

Ito ay sa gitna ng mga ulat na si Yeng Guiao, ang hahawak na sa Gilas Pilipinas program.

Ayon kay Reyes, tutukan na niya ang 2023 FIBA World Cup.

Mababatid na sinimulan na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang kanilang buildup para sa 2023 FIBA World Cup, kung saan ang Pilipinas ay co-host ng Indonesia.

Una nang inatasan si Guiao na pamunuan ang Philippine team sa qualifiers ng 2019 FIBA Basketball World Cup para sa September's two-game window, matapos masuspendi si Reyes dahil sa pagkakadawit sa girian sa pagitan ng Australia noong July.