Close

Chinese owned businesses, sinuspindi ang suporta sa Houston Rockets

Sponsor ads


Sinuspindi ng ilang Chinese-owned businesses ang ugnayan nito sa Texas-based NBA team na Houston Rockets.

Ito ay matapos magpahayag ni Houston team manager Daryl Morey ng suporta sa nagpapatuloy na pro-democracy protests sa Hong Kong.

Sa kontrobersyal na tweet na ngayo'y deleted na ng American basketball team GM ay makikita ang imahe na may nakasulat na "Fight for freedom, stand with Hong Kong"

Hinimok naman ng consulate general ng China ang Houston na linawin at agad na itama ang nasabing post ni Morey.

Kaugnay nito ay inanunsyo ng state sports channel ng China na CCTV 5, na sususpindihin nito ang pag-eere ng mga events ng Houston Rockets sa telebisyon.

Inihayag rin ng exclusive digital partner ng NBA sa China, ang Tenecent Sports, na sususpindihin nito ang live streaming ng Houston Rockets games at maging ang mga balita tungkol sa team.

Base sa tala ng ilang mga kumpanya ay umabot sa halos 500-milyong tao ang sumubaybay sa Tenecent platforms para sundan ang mga basetball games ng NBA noong nakaraang season.