Close

Chinese national na nagtapon ng taho, nakalaya na

Sponsor ads


Nakalaya na ng detensyon si Chinese national Jaile Zhang matapos magpyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kinumpirma ni Eastern Police District Director Chief Superintendent Bernabe Balba ang pagbabayad nito ng pyansa.

Agad na pinalaya mula sa kustodiya ng pulisya si Zhang ngunit dumiretso ito sa Bureau of Immigration para naman sa kanyang deportation case.

Inirekomenda ng legal division ng BI ang pagpapa-deport sa Chinese dahil sa pagiging risk nito sa public interest.

Kasunod ito ng pagtatapon niya ng taho sa isang pulis na humarang sa kanya sa MRT Boni Avenue Station.

Labag kasi sa panuntunan ng MRT ang pagpasok ng anumang uri ng likido sa loob ng estasyon.