Close

Chinese na lalaki, umakyat sa 36 stairs, gamit ang ulo

Sponsor ads


Naungusan ng isang Chinese acrobat ang kanyang sariling Guinness World Record nang umakyat ito sa 36 stairs gamit ang kanyang ulo.

Kaugnay nito, nagawa ni Li Longlong ng Henan Province, na makaakyat sa 36 stairs nang hindi hinahawakan ang mga steps ng kahit na anu maliban sa kanyang ulo.

Dahil dito, natalo ni Li ang nakaraang sariling record na 34 stairs.

Mababatid na kamasa noon ni Li si Zhao Xiaolong, ang naunang record noong 2012, ngunit ngayon ay mag-isa nalang niya itong ginawa.

Una na nitong tinangka na matalo ang record ni Lo Show dei ng Italy, ngunit na-disqualify nang mahawakan ang hagdan ng iba niyang bahagi ng katawan maliban sa ulo.