Close

Chinese media: Re-elected Tsai, nandaya sa Taiwan poll

Sponsor ads


Inakusahan ng Chinese state media si Taiwan President Tsai Ing-wen ng “dirty tactics” at pandarambong matapos itong muling mahalal sa pamamagitan ng landslide victory sa stunning rebuke ng kampanya ng Beijing na i-isolate ang self-ruled island.

Si Tsai, na tinagurian ang kanyang sarili bilang defender ng liberal democratic values laban sa tumataas na authoritarian China, ay nakakuha ng record-breaking win sa presidential election ngayong araw (Sabado).

Sa kabila nito, minaliit ng Chinese state media ang kanyang pagkapanalo at duda sa legitimacy ng kampanya ni Tsai.

Maliban dito, inakusahan ng official news agency Xinhua si Tsai ng buying votes sa Chinese-language op-ed.

Responsable rin umano sa resulta ng halalan ang “external dark forces”.