Close

Chinese communities sa POGO hubs, idinepensa

Sponsor ads


Idinepensa ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ang planong pagtatayo ng "self-contained" communities kung saan maaaring manirahan ang mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations.

Ayon kay PAGCOR Chair Andrea Domingo, layon nitong protektahan ang mga dayuhang manggagawa at para magkaroon sila ng pagkakataon na mamuhay, magtrabaho at makapaglaro.

Ito rin aniya ang inaasahan ng gobyerno na makukuhang proteksyon ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Tugon ito sa sinasabing pagtrato sa Chinese workers bilang mga alipin sa Pogo hubs kung saan binibigyan sila ng employers ng substandard working environments at living quarters o maliliit na bahay-pahingahan.

Bukod pa rito ay nabibiktima umano ng pagnanakaw, pangingikil at kidnapping ang mga Chinese.

Batay sa plano, magtatayo ng office at residential spaces, food establishments, groceries o convenience stores, service shops, wellness and recreational facilities at iba pang amenities.