Close

China telecom, hindi dapat katakutan

Sponsor ads


Tiwala si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na walang dapat ikapangamba sa pagpasok ng China Telecommunications sa bansa.

Ito ay matapos manalo ang Mislatel consortium bilang third telco player sa bidding ng Department of Information and Communications Technology at National Telecommunications Commission.

Ayon kay Esperon, pagdating sa usaping pangseguridad ay tiyak namang hindi ito maaapektuhan ng China Telco.

Nilinaw rin niyang natugunan nito ang itinakdang "terms of reference" ng NTC at DICT.

Lingid rin sa kaalaman ng publiko, matagal nang gumagamit ang Pilipinas ng telecommunications technology ng naturang bansa.

Isa si Esperson sa oversight committee ng selection process ng pagpili ng third telco.