Close

China-made vaccines, dinipensahan ng Pangulo

Sponsor ads


Dinipensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bakuna mula sa China matapos mapuna ng mga kritiko ang presyo at effectivity ng Sinovac at Sinopharm vaccines.

Ayon sa Pangulo, ang binibilhin na bakuna ni vaccine czar Secretary Carlito Gavez ay kasing-husay lang ng kahit anong bakuna na gawa ng mga Amerikano o ng Europeans.

Ipinunto ng Pangulo na halos magbalik normal na ang buhay ng mga Chinese dahil sa Sinopharm at Sinovac vaccines.

Tiniyak naman ng Pangulo na handa siyang managot sakaling mabulilyaso ang pipiliing bakuna ng gobyerno para sa vaccination program nito.

Matatandaan na una nang sinabi ni Galvez na mas mura ang Sinovac vaccine kumpara sa mga brands na mula sa US, at dapat ay tumigil na ang publiko sa diskriminasyon.

Mababatid na base sa ulat na inilabas ng researchers sa Brazil ay nasa 50.4% na effective lamang ang Sinovac vaccine.

Sa kabila ng inilabas na ebalwasyon ng Brazil ay sinabi ni Galvez na itutuloy ng bansa ang mga negosasyon para sa Sinovac vaccines habang hinihintay ang abiso ng Vaccine Expert Panel ng Pilipinas na nagsasagawa ng ebalwasyon sa mga bakuna.