Close

China, tatanggalin na ang travel ban sa Hubei

Sponsor ads


Inanunsyo ng Hubei Health Commssion na tatanggalin na ang travel ban sa mga bi-byahe palabas ng rehiyon ngayong humuhupa na ang coronavirus pandemic.

Ayon sa ulat, simula ngayong araw pwede nang makalabas sa lugar ang mga pasahero basta't mayroon silang health clearance code.

Kaugnay nito, sa April 8 naman babawiin ang travel restrictions sa provincial capital na Wuhan na syang pinagmulan ng COVID-19 outbreak na nakasailalim sa lockdown simula pa noong Enero.

Gayunman, nakikitang tumataas ang imported infections mula sa ibang mga bansa kaya mas hihigpitan naman ang screening at quarantine measures sa mga malalaking siyudad sa China gaya ng Beijing.

Dahil dito, 474 na imported infections ang naitala, karamihan ay mga Chinese national na umuuwi.

Samantala, may apat naman na bagong naitalang namatay, tatlo galing sa central Hubei province.

Mababatid na una nang inanunsyo ng China na ili-lift na ang lockdown sa Hubei kung saan nagsimula nang mag-operate ang mga istasyon ng tren.