Close

China, nagpatupad ng curfew sa paglalaro ng video games

Sponsor ads


Nagtakda na ang pamunuan ng China ng curfew sa paglalaro ng video games.

Layon nito na mapigilan na ang pagdami ng gaming addicts partikular ang mga menor de edad.

Alinsunod sa bagong direktiba, hindi na maaaring maglaro ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas 8:00 ng umaga ang mga may edad 18 taon pababa.

Kapag naman weekdays, pwede lamang maglaro ang mga menor de edad ng 90 minuto.

Papayagan naman silang maglaro ng tatlong oras tuwing weekends at public holidays.

Kasama rin sa kautusan ang paglilimita sa gastos ng mga ito sa laro.

Pwedeng maglagay ng 400 yuan kada buwan sa online gaming accounts ang mga may edad 16 hanggang 18 habang 200 yuan naman ang maaari lang gastusin sa loob ng isang buwan ng isang minor.