Close

China, nag-alay ng ilang sandaling katahimikan para sa COVID-19 victims

Sponsor ads


Inalala ng China sa pamamagitan ng isang minutong katahimikan para sa mga namatay dahil sa COVID-19.

Sa pangunguna ng mga matataas na opisyal ng bansa, ginunita ng Chinese People’s Political Consultative Conference ang mga coronavirus victims sa kanilang unang sesyon.

Ang nasabing pagtitipon ay pinamunuan ni Chinese President Xi Jinping kasama ang Chinese Politburo, kung saan hindi naiwasan ng mga ito na batikusin ang Estados Unidos dahil sa paninisi sa kanila sa pagkalat ng virus.

Una nang binatikos ni US President Donald Trump ang China bilang responsable sa pagkalat ng coronavirus kaya’t iginiit nito na dapat bayaran ng Beijing ang mga naging pinsalang dulot ng pandemya.

Maaalalang naantala ang CPPC session sa loob ng higit sa dalawang buwan dahil sa nangyaring pandemic. - GLENN PARUNGAO