Close

China, blacklisted ng US dahil sa Xinjiang 'Uighur abuse'

Sponsor ads


Tinatayang 28 Chinese organisations ang inilagay sa Entity list ng Estados Unidos dahil umano sa pagkakasangkot sa pang-aabuso sa mga Uighurs sa probinsya ng Xinjiang sa China.

Ito ay matapos na kumalat ang isang drone video na ipinost online kung saan makikita ang daan-daang mga uighurs na naka-blindfold at minamanduhan ng mga pulis.

Ayon sa ulat, lahat ng 28 organisasyong ito ay bawal na bumili ng produkto mula sa US companies nang walang approval ng Washington.

Kasama sa listahan ang isa sa pinakamalaking pagawaan ng surveiilance equipment.

Ang mga nasabing kumpanya umano ay sangkot sa human rights violence at pang-aabuso.

Ayon sa mga rights groups, pinahihirapan ng Beijing ang mga Muslim Uighurs sa detention camps na tinawag na "vocational training centers" ng China para labanan ang extremism.

Ang Uighurs o uyghurs ay isa sa 55 recognized ethnic minorities na kinabibilangan ng mga Muslim sa western Chinese region kung saan kinukulong ang libu-libong mga Muslim.

Wala pang pahayag ang China tungkol sa hakbang na ito ng Estados Unidos.