Close

Chie Filomeno tila may parinig rin kay Dawn Chang?

Sponsor ads


Nag-post si Chie Filomeno ng kanyang rehearsal video sa kanyang instragram na mayroong makahulugang caption.

“All set. Don’t let people stop you from doing what you love most", saad sa post ni Chie.

Ito ay may dagdag pang "EEEH EEEEH EEEEEE MO LANG SILA. Hahaha char!"

Malakas ang kutob ng netizens na tila parinig ito ni Chie sa mga naunang banat ni Dawn Chang na kasama nito dati sa Girl Trends.

Mababatid na nagtrending ang girl group ng noontime show na It's Showtime dahil sa hindi sabay sabay na pagsasayaw ng mga ito.

Sa isang episode ng It's Showtime ay naging hurado ng dance contest segment na "Sampu-Sample" si Dawn.

Dito ay nagkomento siya sa isang grupo na gustong gusto niya ang pagsayaw nito dahil nakitaan niya ito ng technique.

Banat pa niya, ang pagsasayaw ay hindi lang puro hataw at puro aura.