Close

Cesar, may bagong video; Nag-sorry dahil walang background

Sponsor ads


Matapos na maging talk of the town ang kanyang viral greeting video sa social media, tila hindi natitinag si Cesar Montano at hindi tumigil sa pag-accomodate ng request for a recorded shoutout.

Parang ginawa na lamang katatawanan ng aktor ang isyu matapos na makita ang isang hubo't-hubad na babae sa background ng kanyang birthday greeting sa isang opisyal ng Maynila.

Sa kanya kasing bagong video greeting para sa news anchor na si Arnold Clavio, ganun pa rin ang angle ng video na parang selfie.

Nakangiting biro ni Cesar sa greeting kay Igan, “Sorry, walang background, ha!”

Mababatid na hindi kinumpirma ni Cesar ang identity ng hubad na babae sa kanyang naunang video pero pinaliwanag na hindi na nya na-check ang kanyang background dahil sa libu-libong request na kanyang natatanggap para sa video greeting.