Close

Celtics, giniba ang Cleveland sa Game 1

Sponsor ads


Giniba ng Boston Celtics ang Cleveland Cavaliers sa Game 1 ng NBA Eastern Conference Finals na nagtapos sa score na 108-83.

Pinangunahan ni Jaylen Brown ang Celtics sa naitala niyang 23 points at 8 rebounds habang sinundan naman ito ni Marcus Morris sa kanyang naiambag na 21 points at 10 boards.

Nakontrol kaagad ng Celtics ang laro matapos nitong lumayo ng 21 points sa Cleveland sa unang yugto palang ng laro.

Umabot pa sa 28-points ang advantage ng Celtics nang magpahinga si LeBron James sa huling 7:09 ng 4th quarter.

Sa panig naman ng Cleveland ay nagtala si Kevin Love ng 17 points at 8 rebounds habang si LeBron naman ay nagtapos sa 15 points at 7 boards.

Samantala, ngayong araw ay gaganapin naman ang pagtutuos ng dalawang pinakamalakas na team sa Game 1 ng Western Conference finals.

Didipensahan ng first-seeded Houston Rockets ang kanilang home court mula sa kumpletong pwersa ng defending champions na Golden State Warriors.