Close

Celine Dion concert, gaganapin sa bansa sa unang pagkakataon

Sponsor ads


Inanunsyo ng singer na si Celine Dion na magkakaroon siya ng tour sa Asia-Pacific.

Ito ang unang pagkakataon na magpeperform ang singer sa Manila, Bangkok, Singapore, Taipei at Jakarta.

Pagkatapos ay babalik naman siya sa Tokyo at Macau matapos ang 10 taon.

Dito sa bansa ay gaganpin ang concert ni Celine sa Mall of Asia Arena sa July 19.

Maaring mabili ang tickets sa January 18 sa smtickets.com kung saan ang halaga nito ay maglalaro sa P2,640 hanggang P35,380.

Matatandaan na dati nang naka-duet ni Celine ang Filipina singer na si Charice Pempengco sa Madison Square Garden sa New York kung saan ay kinanta nila ang awiting "Because You Loved me"