Close

Celebrities, spotted sa barangay at SK elections

Sponsor ads


Spotted ang ilang celebrities sa ginanap na barangay at SK elections.

Sa post ni Queen of All Media Kris Aquino sa social media, sinabi niya: "Bumoto na ako — have you... and nagbaon pa ako ng #lovelovelove."

Sabay naman bumoto sina Miss Universe 2017 Rachel Peters at ang boyfriend niya na si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte sa Rodriguez Elementary School sa Cadlan, Pili, Camarines Sur.

Makikita rin sa isang video sa twitter na sabay bumoto ang mag-ina na sina Alma Moreno at Vandolph Quizon sa isang polling precint sa Parañaque City.

Sa Parañaque rin nagtungo ang aktress at Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Winwyn Marquez para makaboto.

Ang aktress naman na si Angelika dela Cruz na tumakbo bilang kapitan ng barangay ay nakaboto rin sa Malabon.