Close

Cayetano, target ang House leadership

Sponsor ads


Maaga pa lamang ay nagpahayag na si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na target nyang maging Speaker ng House of Representatives.

Ito ay matapos nyang kumpirmahing tatakbo sya bilang representative ng Taguig City-Pateros sa 2019 midterm elections.

Sa kanyang pangunguna sa pamamahagi n P16 milyong halaga ng ayuda sa Bali, Indonesia, sinabi ni Cayetano na nais nyang magfocus sa pagtakbo sa Kongreso at kapag pinalad na manalo ay planong makuha ang House leadership.

Ayon kay Cayetano, nag-alok syang manatili bilang head ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga darating na events gaya ng paghahanda para sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa Nobyembre.

Pero depende pa rin umano kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggapin ang kanyang alok at nakahanap na umano ito ng papalit sa kanya.

Hindi pa sinabi ni Cayetano kung kalian sya magpapasa ng certificate of candidacy na magtatapos sa October 17.