Close

Cavs, pinataob ng Pacers

Sponsor ads


Binuhat ni Victor Oladipo ang Indiana Pacers sa naitala niyang 32 points na naging dahilan upang mapataob nito ang Cleveland Cavaliers sa score na 98-80.

Dahil dito ay natikman ni Lebron James at ng Cavaliers ang unang talo nito sa opening round ng Eastern Conference series sa loob ng 8 taon.

Sa unang quarter palang ng laban ay nagdomina na ang pacers sa nakuha nitong 21-point lead hanggang sa umakyat pa ito ng sa 23 points sa ikatlong quarter.

Hindi naman umubra ang 20th career triple-double ni James para maiangat ang Cavaliers kung saan ay umiskor siya ng 24 points, 12 assists at 10 rebounds.

Samantala, gaganapin naman ang Game 2 sa Miyerkules ng gabi.