Close

Catriona, nag-thanksgiving kasama ang mga taong may sakit sa NYC

Sponsor ads


Nakiisa si Miss Universe 2019 Catriona Gray sa selebrasyon ng Estados Unidos sa Thanksgiving.

Ang Thanksgiving, na isang popular na holiday sa US, ay ipinagdiriwang para pasalamatan ang kanilang blessings at harvest.

Ibinahagi ni Catriona sa kanyang Instagram account ang pag-volunteer nito para sa isang non-profit organization na God's Love we Deliver sa New York City.

Makikita sa post ni Catriona ang itsura niya habang may suot na hairnet, sumbrero at apron

Ayon kay Catriona, kasama siya sa mga volunteers na naghanda ng 8,400 pagkain para sa mga tao na may sakit, sa mga caregivers nito at pamilya.

Nagpasalamat naman ang beauty queen sa mga nag-donate na para mabigyan ng pagkain ang mga nangangailangan.