Close

Cascolan: Walang puwang ang human rights violations sa drug war

Sponsor ads


Binigyang diin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Camilo Cascolan na hindi papayagan ng organisasyon sa ilalim ng kanyang pamumuno ang anumang uri ng human rights violations kaugnay sa pagpapatupad ng anti-drug campaign ng gobyerno.

Ayon kay Cascolan, sinusunod nila ang specific operational procedures at pangalawa, ginagamit nila ang kanilang common sense, kaya ito umano ang dahilan kung bakit lahat ng kanilang dealings, activities, maging ito ay law enforcement, o administrative, ay alinsunod sa standard operating procedures.

Mababatid na sa ika-45 Human Rights Council session sa Geneva, umapala si UN’s High Commissioner on Human Rights Michele Bachelet sa Duterte administration na tanggalin ang mga polisiya kabilang na ang madugong drug war na nagdudulot sa tumataas na bilang ng mga napapatay sa Pilipinas.

Pero ayon sa PNP chief, sa ilalim ng kanyang pamumuno, nakatutok ang drug war sa paghabol sa mga high-value drug targets.

Si Cascolan, na dating PNP deputy chief for administration, ay kasama sa pagbuo ng Project Double Barrel ng PNP na kinabibilangan ng kontrobersiyal na “Oplan Tokhang.”