Close

Carrie Fisher, namatay umano sa 'sleep apnea' - LA coroner

Nilinaw ngayon ng Los Angeles County coroner na 'sleep apnea' ang ikinamatay ng Star Wars actress na si Carrie Fisher.

Mababatid na lumalabas sa kanyang death certificate noong Enero na cardiac arrest umano ang ikinamatay ng ni Fisher.

Pero sa pahayag ng LA coroner, ang eksaktong dahilan umano ay nanatiling "unknown".

Ang sleep apnea ay common na kondisyon kung saan, humihinto umano ang paghinga ng isang tao habang ito ay tulog ng ilang segundo maging minuto.

Giit pa ng LA county coroner, maliban sa sleep apnea tinitingnan din ang ibang factors gaya ng heart disease at drug use sa mga dahilan ng pagkamatay ng 60-anyos na aktres.

Si Carrie ay kilala sa kanyang role role bilang Princess Leia ng Star Wars.

Samantala, isang araw lang matapos ang kanyang pagpanaw ay namatay naman ang ina nito na si Debbie Reynolds.