Close

Carlos Yulo, pangungunahan ang pagsindi sa SEA games flame

Sponsor ads


Ang World champion gymnast na si Carlos Yulo ang naatasang magsindi ng Southeast Asian Games flame sa gaganaping opening ceremony sa November 30.

Ang weighlifter naman na si Hidilyn Diaz kasama ang lima pang atleta ang magdadala ng Philippine flag sa gaganaping parada ng national continents sa Philippine Arena sa Bulacan.

Kabilang rito sina Asian Games skateboarding gold medalist Margielyn Didal, SEA Games judo champion Kiyomi Watanabe , world boxing championships silver medalist Eumir Marcial, Olympic pole-vaulter EJ Obiena, at world champion boxer Nesthy Petecio.

Magsasagawa ng press conference ang top sports officials para pormal itong ianunsiyo.