Close

Carla Abellana, na-confine sa ospital

Sponsor ads


Na-confine ang aktres na si Carla Abellana sa isang pagamutan sa Quezon City pagkatapos ng taping nito na ginanap sa ibang ospital sa Pampanga.

Sa Instagram ay ibinahagi ng aktres ang litrato ng kanyang sarili na may nakalagay na IV.

Ipinaliwanag ng aktres na sa edad na 33-anyos ay naging unfit at unhealthy ang kanyang sarili.

Dagdag ni Abellana na wish niya na maging fit at healthy ulit ngunit nagiging balakid anya ang kanyang mga karamdaman.

Sa ngayon ay hindi pa sinasabi ni Carla kung ano ang kanyang sakit.