Close

Career-high performance, nagawa sa tulong ng teammates - Zach Huang

Sponsor ads


Pinasalamatan ng UST Growling Tigers veteran Zach Huang ang kanyang teammates para sa kanyang career-high 22-point performance na naitala niya sa laro kontra UE Red Warriors.

Sa isang panayam ay sinabi ni Huang na nagkaroon siya ng explosive performance sa tulong ng kanyang teammates na naglaro ng unselfish basketball.

Ipinunto ni Huang na lahat sila ay nagtulong-tulong para maipanalo ang laro.

Noong katapusan ng first round ng UAAP men's basketball tournament ay nag-average lamang si Huang ng 4.71 points per game at 3 rebounds.

Ipinunto ni Huang na hindi niya pinupuntirya na magkaroon ng mataas na record sa mga laro.

Ibinahagi ni Huang na bahagi ng kanyang kontribusyon ang mag-step back kung sa tingin niya na mas talentado ang kanyang teammates.

Sinabi ni Huang na sa pamamagitan nito ay nais niya na maging magandang ehemplo sa kanyang team.