Close

Car sales, bahagyang bumagal noong Enero

Sponsor ads


Bahagyang bumagal ang bentahan ng sasakyan noong buwan ng Enero kasabay ng pagpapatupad ng mas mataas na tax rate ng pamahalaan.

Base sa inilabas na report ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc., (CAMPI) at ng Truck Manufacturers Association (TMA), 4% lamang ang increased ng bentahan ng passenger at commercial vehicles o 31,645 units kumpara sa 30,425 units ng kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon kay CAMPI President Rommel R. Gutierrez, bagamat mabagal ang sales noong Enero kumpara sa mga nakalipas na buwan, itinuturing pa rin nilang "good start" ng sales ngayon taon.

Una dito ay marami ang nagsabing posibleng maapektuhan ang sales ng mga sasakyan dahil sa mas mataas na bayarin ng buwis sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN law.