Close

Cancer drug, pinag-aaralan narin bilang gamot sa COVID-19

Sponsor ads


Pinag-aaralan ng mga Health experts ang pagtest sa gamot na ginagamit sa para sa mga cancer patients bilang posibleng lunas sa coronavirus, matapos na matest na ang ilang mga gamot pero wala namang epekto sa mga pasyente ng COVID-19.

Ayon kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire, isinama na ng World Health Organization (WHO) ang Acalabrutinib sa kanilang Solidarity Trials, kung saan makikilahok dito ang Pilipinas.

Ang Acalabrutinib ay ginagamit sa pag-gamot sa mga pasyenteng mayroong mantle cell lymphoma, chronic lymphocytic leukemia, at small lymphocytic lymphoma.

Ang pagkakasama naman nito sa solidarity trial ay matapos ibunyag ng WHO na mayroong "conclusive evidence" na ang antiviral drug Remdesivir, Hydroxychloroquine, ang HIV combination ng Lopinavir at Ritonavir, maging ang Interferon ay hindi nakatulong sa mga pasyente na mabuhay o agad na makalabas sa ospital.