Close

Cancer cases sa Europe, patuloy ang paglobo

Sponsor ads


Patuloy ang paglobo ng bilang ng cancer cases sa buong Europe habang bumaba naman ang mortatility rate ng mga nasabing karamdaman.

Ayon sa World Health Organization (WHO), umakyat na ng 50 porsyento ang bilang ng kaso mula pa noong 2000 matapos magkaroon ng cancer ang ilan sa 2.4 porsyento ng mga residenteng naninirahan sa 53 bansa na bahagi ng WHO 'Europe region' noong 2014.

Sinasabing mas mataas ng dalawang beses sa limang porsyento ang kaso ng pagkalat ng cancer sa Nordic countries tulad ng Sweden at Denmark habang nasa 1.8 porsyento naman sa sampung post-Soviet state kabilang ang Belarus, Georgia at Russia.

Tumaas ng 30 porsyento ang bilang ng kaso ng breast cancer kung saan 110 bagong kaso ang naiulat sa kada 100,000 babae habang pumalo na sa 175 sa kada 100,000 ang naitala sa mga Nordic countries noong 2014.

Bagaman tumataas ang bilang ng kaso, bumaba naman ang death rate sa rehiyon mula pa noong 1900s na aabot na lang sa 20 sa kada 100,000 babae kumpara sa 23.8 noong taong 2000.

Samantala, bumaba rin ang kaso ng naturang karamdaman sa France ng dalawang porsyento habang tumaas naman sa Portugal ng 10 porsiyento sa loob ng parehong taon.