Close

Campaign kickoff: AFP, alerto vs NPA ‘extortionists’

Sponsor ads


Inatasan ni Armed Forces chief of staff Gen. Benjamin Madrigal Jr. ang buong tropa na maging mapagmatiyag sa mga New People’s Army (NPA) sa gitna ng pagsisimula ng campaign period para sa midterm elections.

Ang NPA ay kilala sa kanilang panghihingi ng pera sa mga kandidato na nais mangampanya sa kanilang areas of operation.

Ayon kay Madrigal, ideneklara na ang NPA bilang mga persona non grata sa ilang lugar gaya ng Compostela Valley at Eastern Mindanao area kung saan tiyak na hindi na ito makakapangikil sa naturang mga lugar.

Sa huli, pinaalalahanan ng AFP chief of staff ang mga tropa na manatiling non-partisan at tiyaking magiging mapayapa ang nalalapit na halalan.