Close

Camille, ipinakilala ang kanyang bunso sa Instagram followers

Sponsor ads


Ipinakilala ni Camille Prats sa kanyang Instagram post ang baby boy na bagong addition sa pamilya.

Base sa post ay winelcome ng aktres at ng asawa niya na si VP Yambao ang pangatlo nilang anak noong July 10 (Miyerkules).

Sa caption nito ay sinabi ni Prats: "Hello world, meet Nolan Cristiano Prats Yambao."

Matatandaan na ibinunyag ni Camille ang kanyang pagdadalang tao noong araw ng pasko noong nakaraang taon.

Mababatid na isinilang ni Camille ang pangalawa niyang anak na si Nala noong 2017.

Ang panganay naman ni Camille na si Nathan ay anak niya mula sa yumaong mister nito na si Anthony Linsangan.