Close

Cam, ginagalang ang pagtanggol ni Duterte kay Balutan

Sponsor ads


Irerespeto umano ni Philippine Charity Sweepstakes Office Board Member Sandra Cam ang pagtatanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte kay General Manager Alexander Balutan sa kabila ng isyu sa magarbong Christmas Party.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara, tiniyak ni Cam na hindi magiging hadlang ang suporta ni Pangulong Duterte kay Balutan para manatili siyang fiscalizer o kritiko ng ahensya.

Aniya, pupunahin pa rin niya ang mga mali ng PCSO at gagampanan ang kanyang tungkulin bilang board member.

Sa katunayan ay nag-iikot pa umano si Cam sa mga ospital sa bansa kung saan nakikita niya ang tunay na sitwasyon ng mga mahihirap.

Dahil dito, naging emosyonal si Cam sa pagdinig dahil sa umano'y pagiging gahaman ng ilang indibidwal kahit pa marami ang nangangailangan ng tulong.