Close

Calida, pwede ring ipatawag sa pagdinig re:ABS-CBN franchise

Sponsor ads


Karapatan ng bawat Senador na magpatawag ng hearing upang malinawan ang mga isyu.

Ito ang tugon ni Senator Christopher Bong Go sa hiling ni Senator Grace Poe na magpatawag ng imbestigasyon kaugnay sa isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Sinabi ni Go na dapat lang naman na pakinggan ang tinig ng bawat panig at maging patas para lumabas ang katotohanan.

Ayon kay Go, puwede ding ipatawag sa pagdinig si Solicitor General Jose Calida para ipaliwanag ang mga dahilan ng pagsasampa nito ng quo warranto petition sa Supreme Court.

Ipinaliwanag naman ni Go na bilang abogado ng gobyerno ay ginagawa lamang ni Calida ang kanyang trabaho.

Bagamat tumanggi si Go na magbigay pa ng dagdag na komento ay binigyang diin nitong mabibigyan ng patas na pagdinig ang isyu ng ABS-CBN oras na umabot ito sa Senado.