Close

Cagayan, niyanig ng magnitude 5.4 na lindol

Sponsor ads


Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang probinsya ng Cagayan kaninang madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas 3:43 kaninang madaling araw tumama ang lindol 39 kilometers Southeast ng bayan ng Gonzaga.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 23 kilometro.

Naramdaman ang Intensity 1 sa Santiago City, Isabela at Laoag City saIlocos Norte.

Inaasahang masusundan ng aftershocks ang nasabing lindol pero hindi nakikitang magreresulta ito ng major damage.