Close

Cabinet member na aasikaso sa water crisis, kinakailangan - Manila Water

Sponsor ads


Iminungkahi ng kumpanyang Manila Water ang pagkakaroon ng kinatawan sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na aasikaso sa mga isyu na may kinalaman sa tubig.

Ginawa ni Manila Water COO for New Business Operations Virgilio Rivera Jr. ang suhestyon sa gitna ng House technical working group meeting kaugnay sa panukala na naglalayon na bumuo ng Department of Water Resources at Water Resources Commission.

Ayon kay Rivera, nanatiling isyu sa industriya ng tubig ang kawalan nito ng representasyon sa Gabinete.

Iginiit ni Rivera na kung seryoso ang bansa at gobyerno sa pagtugon sa krisis sa tubig, ay dapat magkaroon ng kinatawan sa Gabinete ang industrya sa pamamagitan ng Department of Water.

Ipinunto ng Manila Water COO na noong taong 2000 pa nila sinasabi na seryoso sila pagdatin sa mga isyu na may kinalaman sa tubig.

Matatadaan noong Marso ay maraming bahagi ng Metro Manila at ng Rizal ang tinamaan ng krisis sa tubig na isinisi naman ng Manila Water sa mababang antas ng tubig sa La Mesa dam.


(Photo from: GMA)