Close

COVID-19 world update; Brazil, bagong COVID-19 flashpoint

Sponsor ads


Pumalo na sa mahigit 5.1-million ang bilang ng mga kumpirmadong COVID-19 cases sa buond mundo base sa tala ng John Hopkins University.

Sa nasabing bilang, 336,432 ang nasawi habang mahigit 1.9-million ang nakaligtas mula sa sakit na idinulot ng COVID-19.

Nangunguna pa rin ang US na may mahigit 1.5-million cases.

Pareho naman lumampas sa 300,000 ang bilang ng mga kaso sa Russia at Brazil.

Ang Brazil ngayon ay ang pinakahuling flashpoint ng COVID-19 pandemic dahil sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng infections sa listahan ng mga bansa na may maraming kaso.

Noong Huwebes ay huling napaulat na lumampas na sa 20,000 ang mga nasawi sa Brazil habang nasa 125,960 naman ang naka-recover.