Close

COVID-19 vaccinations sa Vietnam, sisimulan na sa Marso

Sponsor ads


Sisimulan na ng Vietnam ang COVID-19 vaccination program nito sa susunod na buwankung saan ay mauuna sa pagpapaturok ng first dose ang mga matatanda at iba pang frontline healthcare workers staff.

Inaasahan na matatanggap ng nasabing Southeast Asian country ang nasa 60-million doses ngayong taon, kabilang na ang 30-million mula sa COVAX scheme ng WHO at ang unang batch ng 204,000 doses ng Astrazeneca.

Naihanda na rin sa tatlong lungsod kabilang na sa Hanoi, Ho Chi Minh City at Danang, ang mga refrigerators na may mga temperatura na nasa pagitan ng negative 86 hanggang negative 40 degrees Celcius para maging storage ng mga darating na bakuna.

Mababatid na nasa 2,392 ang kabuoang bilang ng COVID-19 cases sa Vietnam

Samantala, base naman sa tala ng Johns Hopkins University ay pumalo na sa mahigit 111.6-million ang bilang ng COVID-19 cases sa buong mundo kabilang na ang mahigit 2.4-million fatalities, at mahigit 62.9-million recoveries.

(PHOTO: EPA/Jiji)