Close

COVID-19 transmission mas mababa sa tag-init - research

Sponsor ads


Inilabas ngayon ng isang grupo ng mga researchers na nakakatulong ang mainit na temperatura para hindi mabilis na kumalat ang corona virus.

Napag-alaman ng mga mananaliksik na nabawasan ang bilang ng pagkahawa ng COVID-19 kapag mataas ang temperatura.

"High temperature and high relative humidity significantly reduce the transmission of COVID-19."

Pinag-aralan ng mga researchers ang 100 mga Chinese cities na mayroong 40 cases o higit pa ng COVID-19 mula Jan. 21 to 23.

Ayon kay AccuWeather Senior Weather Editor and Meteorologist Jesse Ferrell, ang desisyon na pag-aralan ang virus transmission sa ganitong petsa ay critical bago pa gumawa ang hakbang ang China na pigilan ang pagdami ng nahahawaan ng sakit.

Ang naturang pag-aaral ay isinagawa nina Jingyuan Wang, Kai Feng, Weifeng Lv ng Beihang University, at Ke Tang mula naman sa Tsinghua University.