Close

COVID-19 test kits na gawang PH, ipapa-validate na sa WHO

Sponsor ads


Pina-pavalidate na umano ng gobyerno sa World Health Organization (WHO) ang rapid test kits na gawa rito sa Pilipinas.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na nakikipag-ugnayan na ang Department of Science and Technology (DOST) sa isang local group ng mga siyentipiko mula sa University of the Philippines na nakabuo ng test kits para mabilis ma-kumpirma kung may coronavirus o COVID-19 o wala ang isang pasyente.

Ayon kay Nograles, hihilingin ng DOH sa WHO na bilisan na ang validation process nang mailagay na ang test kits sa mga ospital.

Gayunman, nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na di basta-basta lamang ang paglalagay ng rapid diagnostic test kits dahil kailangan nitong maging accurate.

Mababatid na sa ngayon ay umaasa ang pamahalaan sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City para mag-kumpirma ng coronavirus na pumatay na sa 1,500 katao sa China.