Close

COVID-19 tally, lomobo pa sa 100k mark

Sponsor ads


Isa na namang record high sa loob ng isang araw ang naitala sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa 5,032, dahilan para lumobo pa sa 103,185 ang kabuoang bilang ng infections.

Ito na ang pang-ika apat na magkakasunod na araw na naitala ng Pilipinas ang pinakamataas na mga bagong kaso.

Kaugnay nito, nasa 35,569 pa ang mga active cases na patuloy na ginagamot sa mga ospital habang ang iba ay naka-quarantine na.

Sinabi naman ng DOH na ang Metro Manila ay may 2,737 na bagong infections, ang Cavite sa 463, naiatala naman sa probinsya ng Cebu ang 449 cases, Laguna sa 326, at Rizal ay mayroong 201.

Samantala, nadagdagan naman ang bagong recoveries sa 301 o 65,557 sa kabuoan habang ang death toll ay umakyat na sa 2,059, matapos maitala ang 20 bagong fatalities.