Close

COVID-19 death toll sa mundo pumalo na sa 1.1 million

Sponsor ads


Pumalo na sa 1.1 million ang bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19 sa buong mundo.

Mula ito sa 38.9 million na mga indibidwal na tinamaan ng sakit sa buong daigdig.

Ayon sa report lumalabas na isa sa bawat limang namamatay dahil sa COVID-19 ay galing sa Amerika na siyang itinuturing bilang hardest-hit country na may 217,798 deaths mula sa 7,985,356 infections.

Sinundan naman ito ng Brazil na may 152,460 deaths mula sa 5,169,386 cases, India na may 112,161 death toll mula sa 7,370,468 cases, at Mexico na may 85,285 fatalities mula sa 834,910 COVID-19 cases.