Close

COVID-19 death toll sa CamSur nasa 37 na

Sponsor ads


NAGA CITY--Umakyat na sa 37 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa Camarines Sur dahil sa COVID-19 habang higit sa 800 naman ang kumpirmadong tinamaan ng virus.

Batay sa huling tala ng EDMERO Camarines Sur, total na 807 na ang confirmed cases, 110 dito ang aktibong kaso habang 660 naman ang nakarekober.

Kapansin-pansin naman na halos lahat ng mga nagkakasakit ay pawang mga lokal na residentes at hindi mga Locally Stranded Individuals o LSI. Ibig sabihin, maraming mga close contacts ng unang pasyente ang nahawaan ng virus at walang ibang travel history kundi sa loob lamang ng lalawigan.

Pero sa kabila nito iginiit parin ng DOH Bicol na wala pang local transmission ng COVID-19 sa Camarines Sur.