Close

COVID-19 cases sa buong mundo, pumalo na sa mahigit 29 milyon

Sponsor ads


Pumalo na sa 29.1 milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa tala ng John Hopkins University, nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa mga bansang pinakamaraming kaso ng sakit na mayroon nang 6.5 milyong cases; habang sinundan na ito ng India na pumalo na sa 4.8 milyon ang kaso ng sakit; habang pumangatlo naman ang Brazil kung saan 4.3 milyon na ang COVID-19 cases.

Umabot naman na sa 952, 820 ang bilang ng mga namatay worldwide dahil sa nasabing sakit; habang 19.6 milyong katao na ang gumaling mula sa virus.

Iniulat ng World Health Organization (WHO) ang highest single-day increas sa global infections simula nang magsimula ang pandemya.

Sa Estados Unidos naman, halos 550,000 mga bata ang tinamaan ng COVID-19 mula nang magsimula ang pandemic.

Sa Brazil, pumalo na sa 132,006 ang deathtoll dahil sa coronavirus.

Magre-resume naman ang coronavirus vaccine trials ng Oxford University matapos na mahinto dahil sa di maipaliwanag na sakit ng isa sa mga volunteers.