Close

COVID-19 cases sa buong mundo, nasa mahigit 90.7-M na

Sponsor ads


Pumalo na sa mahigit 90.7-million ang bilang ng mga naitalang COVID-19 cases sa buong mundo base sa tala ng Johns Hopkins University.

Makikita rin sa datos ng nasabing institusyon na umabot na sa mahigit 1.9-million ang mga nasawi dahil sa sakit na dulot ng COVID-19, habang nasa mahigit 50.1-million na ang mga gumaling.

Nangunguna sa listahan ng mga bansa na may maraming kaso ng COVID-19 ang US na nakapagtala na ng mahigit 22.5-million.

Nasa ikalawang pwesto naman ang India na nagtala ng mahigit 10.4-million na kaso.

Sa Brazil naman ay nairehistro ang mahigit 8.1-million infections, na ikatlong pinakarami sa buong mundo.