Close

COVID-19 cases sa buong mundo, nasa mahigit 10-million na

Sponsor ads


Lumampas na sa 10-million mark ang bilang ng COVID-19 infections sa buong mundo base sa tala ng John Hopkins University.

Kasama sa tala ang nasa 500,306 ang bilang ng mga nasawi habang nasa mahigit 5-million naman ang naka-recover.

Nangunguna sa dami ng infections mula sa 188 bansa at rehiyon ang US na nasa mahigit 2.5-million cases kabilang na ang 125,763 deaths at 685,164.

Pumapangalawa naman ang Brazil na nasa 1.3-million na ang infections kabilang na ang 57,070 deaths at 727,715 recoveries.

Mababatid na tumaas ang infections sa gitna ng pagpapaluwag ng maraming bansa sa mga ipinatupad na lockdown.

Noong Sabado lang ay naitala ng US ang 43,000 na bagong kaso.