Close

COVID-19 cases sa PH, sumipa pa sa higit 272,000

Sponsor ads


Sumipa pa ang kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa sa 272,934 matapos maiulat ng Department of Health (DOH) ang 3,550 na mga bagong infections.

Kaugnay nito, nananatili ang Metro Manila na may pinakamataas na bilang ng mga infections sa 1,459, sinundan ng Rizal sa 271, Cavite sa 196, Bulacan sa 172, at Laguna sa 172.

Maliban dito, umakyat rin ang recoveries sa 207,858 matapos na maitala ang 524 na mga pasyenteng nakarekober mula sa respiratory disease, habang ang death toll ay tumaas ng 4,732 matapos madagdagan ng 69 na mga bagong fatalities.

Sa ngayon, mayroon pang 60,344 na mga active cases na sumasailalim sa treatment kung saan 87.7 percent sa mga ito ay mild, 8.4 percent ay asymptomatic, 1.2 percent ay severe, at 2.7 percent ay nasa kritikal na kondisyon