Close

COVID-19 cases sa India, lumampas na sa 9-million

Sponsor ads


Pumalo na sa mahigit 57.3-million ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo base sa tala ng Johns Hopkins University.

Nangunguna ang US sa dami ng COVID-19 cases na ngayon ay nasa mahigit 11.8-million na.

Nasa ikalawang pwesto naman ang India kung saan ay lumampas na sa 9-million mark ang bilang ng mga nairehistro nitong kaso.

Ito ay matapos maitala sa India ang nasa mahigit 45,000 na bagong COVID-19 cases na karamihan ay nagmula sa New Dehli.

Samantala, makikita rin sa tala ng Johns Hopkins na umabot na sa mahigit 1.3-million ang bilang ng nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 habang nasa mahigit 36.7-million naman ang gumaling.